100 kabataang IPs tumanggap ng gamit pang-eskwela mula sa PNP-13
By Jennifer P. Gaitano
LUNGSOD NG BUTUAN, Hunyo 21 (PIA)- May 100 kabataang Indigenous Peoples (IPs) mula sa Mamanwa tribe ng Sitio Kugtong, Barangay Poblacion, Bacuag, Surigao del Norte ang tumanggap ng mga gamit pang-eskwela mula sa Philippine National Police (PNP) Caraga, at sa tulong ng isang private donor.
Sa isinagawang gift-giving activity ng PNP Caraga, pinangunahan ni Police Brigadier General Gilberto DC Cruz ang pamimigay ng school bag, notebooks, papel, at iba pang gamit pang eskwela sa lahat ng benepisyaryo.
Tinanggap naman ito ng mga kabataang lumad na may ngiti sa kanilang mukha.

Dagdag pa ng opisyal, madalas ang mga IPs ay nabibiktima ng karahasan ng mga New People’s Army (NPA).
Isa lang aniya ito sa marami pang aktibidad na gagawin ng kanilang ahensiya para sa sektor ng IP. (JPG/PIA-Caraga)