Mga Agusanons positibo ang pagtanggap sa isinusulong na Constitutional Reform sa bansa
By Nora L. Molde
LUNGSOD NG BUTUAN, Nobyembre 21 (PIA) -- Naging positibo ang pagtanggap ng mga Agusanons sa isinusulong na Constitutional Reform sa bansa, sa ginawang Constitutional Reform provincial roadshow dito sa Agusan del Norte at lungsod ng Butuan na dinaluhan ng mga local chief executives, mga miyembro ng civil society organizations at media, buo ang suporta nila sa mga gagawing reporma sa konstitusyon.

Sinang-ayon naman ito ni Elenita Cadeniag ng barangay Simbalan ng Buenavista, Agusan del Norte. Ayon kay Cadeniag, kung ano ang galing sa atin ay dapat sa atin din mapunta upang mas mapalago pa ang sariling lugar.

Paliwanag naman ni Department of the Interior and Local Government Caraga regional director Lilibeth Famacion na layon ng provincial roadshow na mas mapaliwanag pa ang mga pagbabago upang maisulong ang bagong konstitusyon. Kabilang nito ay ang apat na pillars ng pagbabago: pagyamanin ang probinsya, paluwagin ang metro manila; gobyerno para sa tao, hindi para sa trapo; bukas na ekonomiya nang lahat ay may pag-asa; at bagong konstitusyon para sa bagong henerasyon. (NCLM/PIA Agusan del Norte)